Buwan ng Wika 2016





  Isang bagong karanasan para sa akin ang nangyari noong Buwan ng Wika. Hindi ko inaasahan na isa ako sa tatlong mag-aaral na kumatawan sa aming pangkat para sa Lutong Pinoy. Kasama ko sina Gianne at Shannen na naging dahilan sa pagiging komportable ko habang nagluluto ng aming napili na putahe na Maja Blanca.


Nasa larawan: Gianne, Shannen. Elizabeth at ako.
Larawan mula kay Miss Nina Loreto



   Sa larawan sa taas ay pansamantala akong nagpalit dahil sa napakainit ng panahon. Kitang-kita naman ang pagsabit ng aking tuwalya sa aking balikat dahil pawis na pawis na ako. Sinuot ko ang aking kimona  na sinuot ko rin noong isang taon ngunit sa ibang kulay na. Napakainit ng pakiramdam ko noon dahil sumabay rin ang panahon. Ngunit, masaya naman ako habang sinusuot ko iyon para sa pagdiriwang.


Litratong kinunan kinaumagahan sa aming bahay
bago tumungo sa paaralan



  Alam ko na taun-taon nangyayari ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan na dapat lamang seryosohin ng lahat dahil hindi lang naman ito sa sinusuot na damit o sa pagkaing pinagsaluhan; nasa pagpapakita ng bawat isa ng kanyang pagmamahal para sa ating wikang Filipino at sa ating bansa mismo. Mabuhay ang 'Pinas!

Comments

Popular Posts