Essence of Family day in my teenage life - Kimberlee Gil Carreon
Essence of Family day in my teenage life
Noong nakaraang Enero 26, 2020 ay nagdiwang kami ng aming Family day sa aming paaralan. Medyo mahaba ang aming paghahanda ang pageensayo para sa isang kompetisyon sa pagsasayaw bawat baitang. Sa aming bawat pageensayo sa sayaw ay ibinigay talaga namin ang lahat ng aming makakaya upang mapaganda ang aming sayaw at dahil rin huling taon na namin ito.
Nagkaroon kami, mga CAT officers, ng pagkakataon na makakuha ng isang letrato na kompleto kami. Ang mga CAT officers ay isa rin sa aking itinuring na pamilya dahil minsan sila ang aking nasasabihan at nalalabasan sa aking mga problema. Naging masaya ang aming pagsasayaw dahil kami ang napili para umarte ng isang maliit na drama para sa Sinulog.
Sumunod agad ang mga iba't ibang kompetisyon. Kabilang na doon ang kompetisyon sa pagsasayaw. Kabadong kabado na kami habang naghahanda para sa kompetisyon. Halo ang aming nararamdaman dahil iyon na ang huling Fam Day na aming mararanasan sa ACT. Wala man akong letrato na nagsasayaw kami, pero talagang inenjoy lang talaga namin ang aming pagsasayaw kahit kinakabahan at binigay namin ang aming makakaya kahit ang iba ay napilitang sumayaw. Habang patapos na ang aming sayaw, naramdaman ko ang lungkot, hindi ko alam kung naramdaman din ba ng iba kong kakaklase pero kasi naisip ko na sa susunod na taon ay hindi na parehong tao o kaklase ang aking makakasama sa Fam Day.
Sa aking pag-aaral sa ACT, marami akong naging mga grupo o barkada. Itong mga taong ito ay naging isang malaking bahagi sa akin kung bakit ako nagimprove bilang isang tao at kung bakit natutunan ang mga iba't ibang mga bagay. Wala man akong letrato ng aking mga ibang barkada pero alam ko na alam nila kung gaano ako nagpapasalamat na naging barkada at pamilya ko sila. Talagang hindi ko sila malilimutan dahil sila ang naging sandalan sa mga problema sa paaralan, ka kwentuhan ng mga chismiss, kabiruan o kakulitan, kahit minsan may mga tampuhan na nagaganap ay alam namin sa aming sarili na hindi ito magtatagal dahil hindi namin natitiis ang bawat isa. (char) Wala din akong letrato ng aking tunay na pamilya dahil na sa ibang tent sila. Kahit hindi ko sila kasama sa tent namin ay naramdaman ko parin ang pagmamahal at supporta nila. Kahit ang aking babaeng kapatid ay galing pa sa paaralan nila, ay pumunta parin siya sa aming paaralan para sumuporta at baka narin sa libreng pagkain (haha).
Sumapit na ang dilim at naganunsyo na ng mga panalo sa mga iba't ibang kompetisyon. Halos kompleto pa kami at atat na atat na kaming marinig ang resulta. Dinadasal at inaasam talaga namin ang ika apat na sunod-sunod na panalo sa pagsasayaw sa Fam day. At nung inanunsyo na kami ang nagwagi, hindi talaga mapawi ang ngiti sa aming mga mukha dahil nakuha namin ang kampyonado. Ang aming mga pawis at pagod ay nasuklian ng magandang resulta. Dahil sa aming pagpursigi at pagtulong-tulong nakamit namin ang aming inaasam at dahil rin na naging isa kami. Hindi lang sa araw na iyon naramdaman namin na naging pamilya kami, kundi araw-araw namin iyon nararamdaman dahil bawat araw ay handa kaming magtulongan para sa isa't isa. Mamimiss talaga namin ang isa't isa at ang aming nabuong pamilya. Kahit anong mangyari ay mananatili talaga ang batch namin sa aking puso dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami mag-gogrow at hindi kami matuto ng mga panghabang-buhay na aral.
Comments
Post a Comment