Bakit ba tayo nanghuhusga ng ibang tao? RAINBOW LOVE
Sa ating panahon ngayon, namumuhay tayo sa isang mundo o lugar na mapanghusga. Konting galaw mo napapansin agad ng mga tao na nakapaligid sayo. Bakit kaya nanghuhusga tayo agad? Bakit hindi muna natin alamin ang totoo? Narito ang mga iilan na mga rason:
Ang ibang tao nanghuhusga dahil na-iinsecure o naiinggit. Napapansin at pinagsasabi sa ibang tao ang mga mali ng isang tao. Kahit konting mali mo ihuhusga ka nila agad. Minsan ang mga tao o tayo, hindi natin pinapansin o tinitingnan ang sariling mali bago manghusga ng iba. Minsan hindi natin alam tayo pala ang may mali. Kaya dapat tingnan muna natin ang ating sarili sa salamin bago manghusga. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong natatakot ilabas ang tunay na sarili dagil natatakot mahusga.Kagaya sa aking naranasan o sariling karanasan, noon natatakot akong ipakita sa maraming tao na isa akong bisexual. Nagkaroon ako ng karelasyon at ang tanging kalaban namin ay ang komyunidad. Marami ang hindi sang-ayon at tutol sa amin noon. Maraming mga sabi-sabi na "sayang ninyong duha oy." , "wala man moy makuha sa usag-usa.", "sa kadaghag nanguyab siya jd ang ni talab nimo.". Mga salitang binabansag sayo na tinatawanan mo nalang pero sa loob totoo nasasaktan ka na pala. Kaya noong una naapektohan tagala 'yon sa aming sekretong pagsasama. Dahil sa takot na mahusga at sa mga masasakit na salita hindi ko naiwasang itigil nalang kung ano ang meron saamin. Umabot rin ako sa puntong na depress ako dahil sa mga binabansag nila saamin. Marami din akong naging katanungan sa aking sarili kung bakit ba namin pagdadaanan at maririnig ang mga ito. Pero napagtanto ko na wala pala sa mga masasakit na sinasabi ng tao nakasasalay kung ano aang dapat mong gawin. Dapat pala na sundan mo kung ano ang nasa puso at kung sa tingin mo na nakapagpasasaya sa iyo. Kaya simula noon, hindi na ako natatakot na ipakita na kung sino ako at kung sino ang sinisigaw ng puso ko. Nagkaroon man ng katapusan ang aming akalang walang hanggan na relasyon, pero nanatili parin yung mga natutunan namin sa loob ng isang taon.
Dapat muna natin alamin at tingnan muna ang totoong dahilan o kwento bago manghusga. Dahil hindi natin alam kung ano ang tamang dahilan kung bakit siya ganyan. Panghuhusga rin ang isang dahilan kung bakit may mga masasamang epekto at nangyayari sa isang tao. Pwede itong makapagdepress sa isang tao. Matuto na sana tayong maging maingat sa ating mga sinsasabing opinyon at wag nalang mangialam sa mga desisyon ng ibang tao kung hindi naman ito nakatutulong sa buhay nila o sa buhay mo.
Comments
Post a Comment