CAT Camping 2019
Ito na ang pinakahihintay naming araw, ang CAT camping. Bago dumating ang araw na iyon, nakarinig na kami ng mga iba't ibang kwento at iba't ibang karanasan ng mga dating mag-aaral sa kaniling camping. Sabi nila na marami daw kaming matutunan, madami daw kaming pagdadaanang mga mahihirap na pagsubok at mag eenjoy daw kami sa mga hamon na ibibigay. Sabi rin nila na dapat palagi kaming handa at dapat maging isa kami sa aming ka platun. Naka tulong ang mga kwento nila sa amin, dahil nahanda namin ang aming mga isipan at puso para sa darating na mga pagsubok.
Nung unang araw palang nararamdaman na namin ang tensyon at kaba. Hindi lang kaba dahil sa mga pagsubok na aming pagdadaanan, kundi kaba rin kung baka may mga bagay o gamit na hindi namin na dala o di kaya'y ang aming mga miyembro ay hindi makakarating.
Bago sinimulan ang aming unag pagsubok, nagkaroon muna kami ng isang maikling programa kung saan nag bigay ng isang payo ang aming punong-guro. Marami kaming natutunan sa kanyang sinabi kagaya ng, kahit anong hirap na mararanasan namin dapat isaisip lang namin palagi na makakaya namin at dapat eenjoy lang namin ang amig mga ginagawa. Sinabi rin niya na dapat sulitin namin ang araw at pagkakataong ito upang makilala pa namin ang isa't isa. Dahil rin ito na ang huling taon namin sa pagiging junior highschool, dapat talaga naming namnamin at sulitin ang oras at presensya sa bawat isa. Hindi nag tagal natapos rin ang maikling talumpati o payo ng aming punong-guro.
Binigay na ng aming komandante ang unang hamon, at yun ang paghanap namin sa aming mga ka miyembro habang naka piring ang mata. Pagkatapos, dapat mahanap namin ang aming mga kulay ng panyo na naitinalaga saaming sariling grupo. Na subok doon kung gaano ka tatag ang aming pagtutulungan sa isa't isa. Kahit mahirap at pagod na kami sa kakatakbo sa ilalim ng ulan, ay hindi parin kami huminto hanggang sa tinawag na kaming lahat sa lobby.
Nung oras na ng kainan, nasubok rin doon ang mga estratehiya kung paano gagawa ang grupo ng lutuan at apoy gamit lamang ang kahoy, bato, mga papel at posporo upang makaluto ng aming kakainin. Napakasaya namin dahil nagtulungan talaga kaming lahat ng aking mga miyembro upang makakain kami. Nung masaya na naming pinaghahatian ang aming pagkain sa aming mga pinggan, hindi namin alam na may hamon palang naghihintay sa amin. Hindi namin alam na hindi pala kami ang kakain ng aming pinaghirapan na lutuin na pagkain. Kailangan pala naming magpalitan sa ibang platun. Napuno ng tawanan, kalungkutan ang lobby dahil sa hamon na iyon. Kahit maskit na kinuha ang aming pagkain, masaya parin kaming kumakain.
Sa hapon naman ay may naghihintay na mas mahirap na hamon sa amin. May halong kaba at nasasabik na kaming malaman iyon. Marami talaga kaming napagdaanan sa oras na iyon. Kahit pakiramdam namin na hindi namin makakaya na para bang nagdadalawang isip kaming gawin ang hamon, pero nagpatinag parin ang aming kompyansa at tiwala sa sarili.
Nung natapos na namin ang mga hamon ay nagluto uli kami ang nasubok ulit doon ang pag gawa ng apoy. Sa pagkakataong iyon ay na gawa namin nang mas mabilis kaya nakapagluto kami agad. Ngunit may hamon ulit na dapat naming harapin sa oras ng aming pagkain. At yun ang dapat sabay-sabay kaming susubo at kakain ng aming mga pagkain. Masaya ngunit nakakapagod rin. Nagkaroon rin kami ng bonfire kung saan nakakuha kami ng pagkakataon na makipagusap sa taong nagkaroon ng isyu sa pagitan naming dalawa. Napaka dilim ng palagid at tahimik na nag-uusap. Kaya niramdam talaga namin ang aming mga sinasabi sa isa't isa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakapagusap kami ng masinsinan. Tinapon rin namin sa apoy ang mga bagay na gusto naming iwan sa 2019. Mga bagay na sa palagay namin ay hindi na karapdapat at nakakasama na sa aming buhay.

Sa ikalawang araw, isang hamon nalang ang aming hinarap. Hindi siya masyadong mahirap kaya napuno ng tawanan ang lobby. Pagkatapos, naglinis na kami sa mga naatasang lugar. At sumunod naman ang awarding kung saan tinanghal kami bilang ika-apat. Kahit tinanghal kami ng ganong lugar, masaya parin kami't natapos namin ang mga hamon. At ang importante ay hindi kami sumuko kahit maraming mga kumontra at hindi naniniwala sa amin. Nanatili parin kaming matatag at masaya dahil sama-sama namin iyon natapos. Hinding hindi ko talaga malilimutan ang karanasan ko sa camping na ito, dahil dito ko natutunan kung pano makisama sa aking mga kaklase, kung pano gumawa ng apoy, kung pano maging independent at kung pano umintindi sa mga bagay na labag sa iyong damdamin. Dahil din dito, nagig mas malapit kami sa isa't isa hindi lang bilang kaklase kundi bilang magkaibigan. Kaya nagpapasalamat ako dahil naging parte ako ng batch na ito.
Binigay na ng aming komandante ang unang hamon, at yun ang paghanap namin sa aming mga ka miyembro habang naka piring ang mata. Pagkatapos, dapat mahanap namin ang aming mga kulay ng panyo na naitinalaga saaming sariling grupo. Na subok doon kung gaano ka tatag ang aming pagtutulungan sa isa't isa. Kahit mahirap at pagod na kami sa kakatakbo sa ilalim ng ulan, ay hindi parin kami huminto hanggang sa tinawag na kaming lahat sa lobby.
Nung natapos na namin ang mga hamon ay nagluto uli kami ang nasubok ulit doon ang pag gawa ng apoy. Sa pagkakataong iyon ay na gawa namin nang mas mabilis kaya nakapagluto kami agad. Ngunit may hamon ulit na dapat naming harapin sa oras ng aming pagkain. At yun ang dapat sabay-sabay kaming susubo at kakain ng aming mga pagkain. Masaya ngunit nakakapagod rin. Nagkaroon rin kami ng bonfire kung saan nakakuha kami ng pagkakataon na makipagusap sa taong nagkaroon ng isyu sa pagitan naming dalawa. Napaka dilim ng palagid at tahimik na nag-uusap. Kaya niramdam talaga namin ang aming mga sinasabi sa isa't isa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakapagusap kami ng masinsinan. Tinapon rin namin sa apoy ang mga bagay na gusto naming iwan sa 2019. Mga bagay na sa palagay namin ay hindi na karapdapat at nakakasama na sa aming buhay.


Comments
Post a Comment